Kabanata 49 Ang marilag na karagatan ay tila pisarang hinahati sa dalawang panig, ang Renaissance at Sea Brigands. Pinagmasdan ko mula sa aking gawi ang mga armada at iskuwadra ng kalaban. Kasalukuyan kaming nakasakay ni Maximo sa Royal Renaissance. Abala siya sa pagbigay ng utos sa mga tripulante. Hindi ko maiwasang kabahan nang ‘di oras dahil naaamoy ko ang paglapit ng peligro at panganib. Nililigpit na nila ang mga kanyon at iba pang pasabog, matapos ang ilang sandali ay tinipon ni Maximo ang lahat sa pinakalabas ng palapag ng barko ang mga kawan. “All eyes on me.” Seryoso ang kanyang tinig. Naglakad siya mula sa manibela at tumalon sa rehas sa harap nito upang makita ang lahat. Humawak siya sa lubid na nakakawit sa poste sa gilid at sinandal ang katawan dito. “Think of your wives