Kabanata 18 Napamulat ako, ramdam ko ang init na tila bumalot sa aking katawan. I was drenched by my own sweat, tila kagagaling ko lang sa pagligo. I sighed—that dream again. No. It’s not a dream, not even a nightmare. Dumapo ang aking daliri sa gilid ng aking mata at doon ko napagtantong umiiyak ako. “Kuya...” I mouthed. It felt so strange saying that. Tumingin ako sa veranda, it was already dusk. I slept that much, huh? Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Mermaid, nang makita niyang mulat na ang aking mga mata ay lumapit siya. “Gising ka na pala, ate! Akala ko tulog ka pa e!” Aniya. “Yong susuotin mo pala Ate Kira e nasa wardrobe.” Sabay turo sa gilid. “Dahil masyadong malaki kanina ay nagpatulong na lang ako kay Kuya Alexander!” So Maximo came when I was sleeping then, huh? “