Chapter 45

1272 Words

Natahimik silang lahat nang pumasok ako sa loob ng condo. Nakatingin silang lahat sa akin nang tinanggal ko ang suot kong sandalya. Napapangiti na lang ako sa kung ano man ang iniisip nila. Sinalubong ako ni Petrus at kinuha ang dala kong shoulder bag. Yumakap siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "I'm sorry hindi na kita nasundo kasi may mga asungot na pumasyal rito," reklamo niyang sabi sa akin kaya binatukan ko siya sa harap ng mga kaibigan niya. "May cellphone ka naman pero hindi mo man lang ako tinawagan!" naiinis kong turan. "Wala aking load, naubusan ako," reklamo niyang sagot sa akin. Bumati sa aming ang mga kasama niya na nasa sala at ngumiti lang ako. Sinamahan niya muna akong ihatid sa kwarto at siya na mismo ang naghanap ng damit ko. Dumiretso na ako sa banyo at naligo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD