Chapter 15

1672 Words
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami ni Julle. Wala rin akong ganang makipag-usap dahil tumatakbo ang isip ko kay Petrus at nangyari kanina sa labas ng Bar. Kung hindi dahil kay Julle ay baka napahamak na ako sa kamay ng lalaking iyon. Tahimik at tulala akong nakatitig sa gilid ng bintana ng kotse at pinagmamasdan ang nadadaanan naming daan. Nagbabasakali rin ako na baka makita ko rin si Petrus sa daan. "Mukhang pagod ka na," biglang sabi ni Julle at kanina pa paulit-ulit na sumusulyap sa akin. "Matulog ka na muna, gigisingin kita kapag nakarating na tayo," patuloy niyang sabi. Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa sa kaniya. Pinikit ko ang aking mga mata at natulog ng mahimbing sa kotse niya. Nang makarating kami sa bahay ay ginising na ako ni Julle. "Dawn, nandito na tayo," mahina niyang sabi at tinapik rin ako nang mahina sa aking balikat. Nang bumukas ang talukap ko sa aking mga mata ay lumingon ako sa buong paligid at napagtanto kong nandito na kami ni Julle sa labas ng bahay. "Salamat Julle," I thanked him when I got home. He smiled at me and got out of the car. He also opened the door for me before speaking. Siya na rin ang nagpresinta na tanggalin ang seat belt ko at inalalayan ako pababa. "Sige, pumasok ka na sa loob," he said sincerely and it was obvious from his appearance that he is happy. "Gusto mo bang magkape muna?" I asked him. He stared at me intently as if thinking and then shook his head and said goodbye. "Sigurado ka?" ulit kong tanong dito. "Yes, it is better for you to take a rest because you are obviously drowsy. If I will have a coffee with you, you will be forced to talk and face me. Ayaw ko pa namang umuwi kung kasing ganda mo ang kausap ko," pagbibiro niyang wika sa akin. Kaya natawa na lang din ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay nakakalimutan ko si Petrus. While we are both laughing, Petrus came and look confuse. But it can't be denied from her appearance that he is really concern of me. "Kakauwi mo lang?" nag-aalala niyang tanong ngunit biglang naging seryoso ang mukha nang makitang si Julle ang kasama ko. "Oo hinatid ako ni Julle." Ngumiti ako ng alangan sa kaniya at pilit na tinatagi ang pagkadismaya sa nangyark at saka nagpatuloy sa pagsasalita "Bakit ang tagal mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya pero hindi ko na hinintay ang sagot niya. Binaling ko ang atensiyon ko kay Julle at nagpasalamat. "Julle, salamat pala sa paghatid." "Walang ano man Dawn, sige alis na ako," paalam nito. Nginitian niya ako ngunit halatang naiilang siya sa mga titig ni Petrus. Ngunit gano'n pa man ay nagpaalam pa rin siya nang maayos sa akin maging kay Petrus. Ngunut wala siyang nakuhang sagot mula kay Petrus kaya ako ang nahiya sa inasta niya. Hindi kasi ito kumikibo at ang sama kung makatingin siya sa kaibigan. Tinanguan ko na lang siya bilang tugon dahil parang ang bastos ng naging asal ng kasama ko. Binuksan na ni Julle ang kotse ngunit bigla itong tinawag ni Petrus para pigilan nang akma na itong papasok sa loob. Nagtaka ko siyang tiningnan sa aking tabi at binigyan ng magagtaning na tingin. Ngunit seryoso pa rin ang mukha niya at mas lumapit pa sa aking harapan. Tinanggal niya ang jacket na suot ko at ibinalik kay Julle. "Nakalimutan mo," he threw the jacket at Julle and obviously he looked so angry. Ako ang nahihiya sa ginawa niya at para akong kandila na unti-unting nauupos mula sa aking kinatatayuan. Tinitigan ko si Julle habang tahimik na humihingi ng paumanhin ang mga tingin ko sa kaniya. Tumango naman ito bilang tugon na naintindihan niya kaagad ang ibig kong sabihin. At tuluyan na nga itong umalis sa harap namin. "Why are you treating him so rude?" mahina kong tanong at sinubukang maging kalmado pa rin ang boses. At sa halip na sagutin ako ay hindi niya ginawa. Nagsalita man siya ngunit malayo sa naging tanong ko. "Bakit ngayon ka lang nakauwi? Saan ba kayo galing?" puno ng pagdududa ang kaniyang mga mata. Parang hindi ako makapaniwala sa tjnanong niya sa akin. Dapat ako ang nagtatanong sa kaniya ng ganito. Ang ginawa niyang titig sa akin ay parang isang babaeng nagtataksil sa gangster na nobyo. Uminit ang tenga ko sa narinig ngunit pinigilan ko pa rin ang sariling magalit at sinagot siya nang maayos. "Hinintay kita, mabuti na lang at sinamahan ako ni Julle," I modestly explained to him. Based on how he looks like, he doesn't want to understand and believe what I said. "Alam mo namang may gusto 'yon sa'yo 'di ba?!" malamig niyang sabi at hindi ko alam kung ano ang pinapalabas niya. "Magkaibigan lang kami," kalmado ko pa ring paliwanag. "Pero may gusto pa rin siya sa 'yo!" matigas niyang sagot at hindi napigilan ang sariling taasan ako ng boses. "Petrus, ano ba 'tong pinag-uusapan natin? Mabuti pang umuwi ka na muna at bukas na tayo mag-usap," mungkahi ko at nagsisimula na akong mairita sa kaniya. Sa paraan nang pagkakasabi ko ay tinataboy ko na siya. "Sa lahat ng tao na pwede mong sabayang umuwi, bakit siya pa? Pwede ka namang sumabay sa iba!" galit na nitong sabi. "Petrus, hinintay kita at ang lahat ng mga kasama natin kanina, ay umuwi na. Si Julle na lang ang tanging natira na nando'n. Mabuti nga 'yong tao dahil naiisip ako. Eh, ikaw ano'ng ginagawa ng Salme na 'yon? Ayaw ko sanang magreklamo pero tinutulak mo akong manumbat sa mga pinaggagawa niyo? Ano'ng tingin mo sa akin manhid? Tama bang tratohin mo ako ng gano'n sa harap ng mga kaibigan mo? Tinalo niyo pa yata ang campus sweetheart, eh! Ang sweet niyong dalawa, kung gusto mo pumunta ka na ro'n... bumalik ka kay Salme. At baka sakaling siya pa ang magpapahinahon sa 'yo," mahaba kong litanya at nauubusan n rin ng pasensiya. "Alam mo namang lasing na lasing 'yong tao, nakita mo naman 'di ba?" galit pa rin ang boses niya kaya sinagot ko rin ito nang pasigaw. "Oo naman kitang-kita ko at kitang-kita ko rin kung gaano ka concern sa kaniya kaya nakalimutan mo na ako sa bar, hindi ba?" paalala ko sa kaniya. "Hindi ko siya agad maiwan dahil," huminto siya at hindi ko alam kung bakit hindi niya matuloy ang kaniyang sasabihin. Alam ko namang naglalasing si Salme dahil sa kaniya. At sigurado ako na iyon din ang dahilan kung bakit siya natagalan. "That's the point Petrus! Ngayon ay galit na galit ka sa akin dahil hinatid ako ni Julle. Ako ba nagalit sa 'yo ng ihatid mo si Salme? Nagreklamo ba ako kanina? Ano'ng pinagkaiba mo sa akin? Alam ko ring may gusto sa 'yo si Salme pero nagalit ba ako, pinigilan ba kita? Kahit ayaw ko sana pero hindi kita pinigilan." Sigaw ko at tukuyan n nga kong nawalan ng pasensiya. "Eh, 'di lumabas rin ang totoo na ayaw mo kay Salme! Galit ka rin dahil hinatid ko siya. Ano'ng gusto mong gawin ko hayaan ko lang siya ro'n?" galit niyang sumbat sa akin. "Wala akong sinabing gano'n pero sana inisip mo rin ang nararamdaman ko. Kahit pa matagal na kayong magkakilala kaysa sa akin, nasasaktan pa rin ako. Para akong tanga ro'n sa bar habang hinatid mo si Salme. Pakiramdam ko pagdating sa kaniya, nawawalan ka na ng pakialam sa akin. Sana pala ay siya na lang ang ninobya mo!" "Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo? Sana sinabi mo kung ayaw mo pa lang pumayag dahil pwede namang makisuyo ako sa iba para makauwi siya," naiinis nitong sabi at napasabunot sa kaniyang mga buhok dahil sa frustration. "At ano ang gusto mong sabihin ko? Na Petrus hindi ako papayag! Iyon ba ang gusto mong marinig? Akala mo ba kaya ko iyong sabihin sa 'yo at sa harap ng mga kaibigan mo? Dapat hindi na iyin sinasabi!" pilit kong pinapaintindi sa kaniya. "Alam mo ang labo mo," naguguluhan niyang sabi. "Oo malabo na kung malabo. Kailan mo ba ako naintindihan? Siguro kung hindi lang ako naging makulit sa 'yo alam ko namang hindi mo ako papatulan. Alam ko namang si Salme ang liligawan mo. Akala mo ba hindi ko alam?" galit kong sigaw at umiiyak na nang malakas sa harap niya. Nagmamadali akong umalis sa harap niya at gusto ko munang mapag-isa. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin habang sinusundan ako. "Magpapahinga na ako kaya please lang umuwi ka na!" Sigaw ko rito pero ayaw pa rin nitong tumigil sa pagsunod sa akin. "Iyan diyan ka magaling, sige mag-walk out ka! Nakasama mo lang si Julle nagkakaganiyan ka na? Hindi ka naman dating ganyan, ha?" Asik niya rin sa akin at tumigil na sa pagsunod. Nilingon ko siya sa inis ko at dinuro-duro ko siya kahit na alam kong wala akong karapatan. "Dahil ang bastos mo! Binastos mo 'yong tao kahit wala naman siyang ginagawang masama. Nagmamalasakit lang 'yon sa akin tapos ikaw ang sama-sama ng mga iniisip mo." "Kung balak mo pa lang magpahatid sa kaniya sana naman hindi sa ganitong oras?" naiiling niyang sabi at puno ng pagdududa sa akin. Sumigaw ako ng malakas. "Damn s**t! Are you a f*cking crazy? Hinintay nga kita ro'n, is that really hard for you to f*cking understand? Muntik na nga akong mapahamak do'n. And your just f*cking thinking me like that?! Baka ikaw ang may ginagawang masama? Pinapahid mo sa akin kung ano man ang mga pinaggagawa mo!" "Huwag mo nga akong minumura!" saway niya sa akin. "Magmumura ako kung kailan ko gusto. Ano disappointed ka na sa akin? Ganito ako, eh! Nagmumura talaga ako kapag galit ako! Ngayong nakita mo na ang masama kong ugali pwede nang umalis. Marami ka pang hindi alam tungkol sa ugali ko. At kung nagsisi kang naging girlfriend mo ako, eh di maghiwalay na tayo. Gusto mo si Salme di ba? Sige puntahan mo siya," galit kong wika at pinagtutulakan siyang ipagpalit ako sa kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD