Engaged na ako kay Petrus pero hindi pa namin napagpapasyahang dalawa kung ano ang exact date ng kasal. Kailangan pa naming mag-ipon at sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang panahon. Matapos ang trabaho ni Petrus ay dumiretso na siya sa akin. Hinatid niya ako sa trabaho at kanina niya pa binubuksan ang paksa tungkol sa future wedding naming dalawa. "Sigurado ka ba? Nagpaalam ka na kay Tita Anne?" nag-aalala kong tanong dahil alam kong kailangan niyang suportahan ang kaniyang pamilya. Wala pa kaming budget para sa pagpapakasal dahil marami pa kaming mga priority. Tinitigan ko siya ng mabuti at hinihintay siyang sumagot. Tumango siya at ngumiti. "Matagal ng alam ni Mama ang plano ko, hindi nga lang natutuloy. Marami kasing mga problema," natatawa niyang sabi at medyo nalungkot i