Kinabukasan nagising akong pagod na pagod dahil sa walang tigil na pagbayo sa akin ni Petrus kagabi. Nagkakadikit lang ang aming mga balat ay nagiging mapanghanap ang aming mga katawan. Pagmulat ko pa lamang ng aking mga maya ay nakita ko siyang gising na at tinitigan ako. Napangiti ako at medyo naiilang sa kaniyang tingin. Baka may muta pa ako sa mata. Nakakahiya! Tatagilid sana ako para iwasan ang tingin niya pero hindi niya ako hinayaan. Pinigilan niya ako kaya mabilis kong tinabon ang mga kamay ko sa aking mukha at sinaway siya sa kaniyang ginagawa. "Petrus, wala pa akong hilamos," nahihiya kong amin. "Mahal na mahal kita, Dawn," tugon niya sa akin at malayo ang sagot niya sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay hinimas niya ang puso ko ngayon sa kaniyang sinabi. Lasing ako kagabi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


