Panay ang tawa ko habang nakaupo sa couch dito sa may sala. Nandito ako sa amin at ka-kuwentuhan ko si Mommy na pinagbabalat ako ng mansanas. At ang pinag-ku-kuwentuhan namin ay noong mga oras na isinilang niya ang panganay niyang anak. Nagpahatid ako dito kay Mishari kanina bago siya pumasok sa trabaho. Wala kasi akong kasama do'n sa bahay nila dahil may lakad ang mga in-laws ko. Sinasama naman nila ako ngunit tumanggi ako. Ayoko nang magbyahe-byahe pa dahil kabuwanan ko na. At bukod pa do'n, constant na ang pagpasok ko sa banyo para umihi. Hindi na nga ako nakakatulog nang maayos sa gabi, eh. Hindi na din ako makahiga nang tuwid dahil para akong nalulunod. Ang tanging posisyon ko na lang sa paghiga ay nakatagilid. Iyon na lang ang pika-kumportableng posisyon para sa akin. Kaso nga lang

