Nanatili kami ni Jillian sa loob ng sasakyan habang hinihintay na huminto o kaya ay kahit humina lang ang ulan. Dinaluhan ko siya sa backseat nang makapagbihis na ako. At ngayon ay nakahiga siya sa mga hita ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Nakataas pa ang dalawang paa niya sa may backrest ng upuan. Para din siyang lamig na lamig dahil nakayakap pa siya sa braso ko na nasa may dibdib niya. "Ba't kasi umuulan?" Tanong niya na parang tanong din sa sarili. "Nakagawa tuloy tayo ng milagro." Himagikgik pa ito. "Milagro naman," nakangiti kong sabi. "Sabi ko, hindi ko gagawin sa'yo 'yong gano'n sa loob ng sasakyan pero kinain ko." Iniyuko ko ang ulo ko palapit sa kanya saka siya hinalikan sa noo. "It's okay, baby. Gusto ko naman. Ikaw lang 'yong madalas na tumatanggi sa akin." Inangat ni