Nang makapasok kami sa loob ng kuwarto ko ay pinanood ko si Ari habang isinasarado ang pintuan. Binuksan ko na din ang ilaw gamit ang kaliwa kong kamay dahil gusto kong makita ang histura niya. Nakatingin naman ito sa akin habang hawak-hawak pa din ang right hand ko. "Do you really want to do this?" Biglang tanong niya at lumakad palapit sa akin. Naguluhan ako do'n at napaisip. Bakit niya natanong iyon? "Yeah. Ayaw mo ba?" Umiiling kong sabi. May balak na naman ba siya na tanggihan ako ngayon? Pangatlo na 'to kung sakali man. Parang hindi siya 'yong nag-ayang pumasok dito sa kuwarto, ah. Humalakhak ito at hinapit ang bewang ko. Idiniin niya ang katawan niya sa akin saka idinikit ang noo niya sa noo ko. "Gusto, siyempre," mahina nitong sabi. Halos maduling ako dahil sobrang tutok na