Nakangiti akong nakatingin sa mga kasama ko sa mesa na abalang nagku-kuwentuhan. Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama ang mga magulang ko -- at mga magulang ni Jillian. At siyempre, wala siya dito. Medyo nakaka-guilty na nga dahil nitong mga nakaraang araw, ang dami ko nang kasinungalingan na nasabi sa kanya. Those were white lies, though. But of course, those were still lies. Hindi ko naman kasi siya maaaring isama dito dahil ang tungkol sa amin ang pinag-uusapan nila ngayon. Kung gusto kong maging matagumpay talaga ang gagawin ko, kailangan ko muna siyang ilayo sa akin panandalian. Pero huwag naman sanang lumayo siya nang tuluyan lalo na't malapit na ang araw ng graduation namin, at malapit ko na ding ipasuot 'yong singsing. Tsaka, si Dad naman ang nag-invite sa parents ni Ji