Hindi ko alam kung papaanong pahid pa sa katawan ko ang gagawin ko para lang mawala ang pandidiri ko. Hindi normal sa pakiramdam ang makaramdam ng pandidiri sa mismong sarili mo, ngunit bakit kahit anong pagsasabon ko sa bawat sulok ng balat ko ngayon ay hindi mawala-wala ito? Halos malusaw na ang sabon ngunit ramdam ko pa din ang laway ni Mishari na nakadikit sa akin mula sa nangyari sa amin kanina. Pakiramdam ko ay pati ang laway ni Laureen ay nasa balat ko na. Ilang beses na din akong nag-toothbrush na halos dumugo na ang bibig ko para lang mawala sa aalala ko ang lasa ng mga labi niya na dumikit kay Laureen, ngunit wala pa ding kuwenta. Diring-diri pa din ako, hindi lang sa kanila, kundi pati na din sa sarili ko. Ayoko namang maniwala na siya iyong nasa video. Ilang ulit ko pa iyong