Pagkatapos kong kausapin ang mga magulang ko at kumain ng tanghalian kasama nila ay umalis na ako sa bahay para sunduin na ang girlfriend ko na paniguradong nagtatampo hanggang ngayon. Medyo tumagal lang ako sa bahay ng konti dahil maraming sinabi ang mga magulang ko sa akin. My parents gave me life lessons and told me all about married life based on their experience. Subalit alam ko na iba ang magiging takbo ng buhay namin ni Jillian sa kanila at sa kung sino pa. At siyempre, iyong mga sinabi nila ay maaari din naming mai-apply ni Jillian sa amin pagdating ng araw. At least ngayon ay nasabi ko na sa mga magulang ko at walang naging problema sa kanila. Ang mga magulang na lang talaga ni Jillian ang inaalala ko. Nagtanong din si Dad kung kailan nila pag-uusapan ang tungkol sa amin ni Ji