SAKTONG pagbaba niya ng kotse ay humarurot naman paalis ang nakaparadang itim na SUV sa tapat ng chateau. Gusto niyang habulin iyon dahil malakas ang kutob niyang may ginawang masama ang taong sakay n'yon, pero nang maalala si Elaine ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Naabutan niya itong nakayukyok sa gilid ng couch at umiiyak. Napakuyom siya ng palad nang makita ang ayos nito. Punit ang blusa at magulo ang mahabang buhok. "Elaine," he called, sabay lapit dito. Agad naman itong tumungo sa kaniya at mahigpit na yumakap. "Clint," she said, crying. Parang bata itong nagsumiksik sa kaniyang dibdib. Nanginginig at nanlalamig. He gritted his teeth. He could kill someone. "Who did this to you?" tiim-bagang niyang tanong. He hugged her tightly, comforting her. Pero imbes na suma