NARAMDAMAN niya ang paghapit ni Clint sa kaniyang baywang pagkababa niya ng kotse. "Let's go," anito at iginiya papasok sa isang Spanish-style mansion. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng Villa de Virandae mansion. Ngayon pa lamang siya nakapunta rito. Maganda sa larawan pero mas maganda pa pala ito kapag personal mo nang nasilayan. Nasa tuktok ito ng burol at sa baba ay ang malawak at asul na dagat. One day she will visit Villa De Verandae again. Mas ma-appreciate niyang sigurado ang tanawin at lugar kung araw siya pupunta. "Good evening, sir, ma'am." panabay na bati ng dalawang guard sa may malaking gate. "Good evening, Raul, Rene. Where is Seth?" Pero bago pa makasagot ang dalawang guard kay Clint ay namataan na nila ang palapit na lalaki at babae. Si Seth Alejandre Villa