CHAPTER 49 THE ROAD AHEAD OF US HINAGOD ni Aleli ang likod ng asawa habang mahigpit siya nitong yakap. Wala siyang ideya na uuwi din ito kaagad nang tumulak patungong USA. “ I missed you, ” mahina nitong bulong. Ramdam niya ang bigat ng dinadala ni Clint. Hindi man nito sabihin, batid niyang hindi pa sila nagkaayos na mag-ama. “ I love you. I missed you, too. ” Narinig niya ang muling pagbuntong-hininga nito. “ Mahirap ba talaga akong patawarin, honey? ” Bakas sa tinig ng asawa ang pait. Tila batang basag ang puso. At hindi niya gusto ang nakikitang sakit at lungkot sa asawa. “ Napatawad nga kita, honey. Hindi ko kayang hindi patawarin ang tulad mo. Mabuti kang tao. Hindi ka mahirap mahalin, at mas lalong hindi mahirap patawarin. ” “ My father hates me so much. Gusto ko lang nama