CHAPTER 39 3rd Person POV “O, ba’t nandito ka Renzo? Nag-away na naman ba kayo ni Laurel?” tanong ng mommy niya nang kapapasok lang nito sa bahay. Nilagpasan lang ni Renzo ang mommy niya at matamlay na umakyat ng hagdan papuntang kuwarto. Bigla niyang nakasalubong ang daddy niya sa hagdan. “Look how shameful of you, Renzo. Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo magawa ang maliit na bagay na pasayahin si Laurel?” kunot-noong wika ni Gabriel sa anak niya. Tumigil ng hakbang ang binata at malamig na nilingon niya ang ama nito. “Until now dad, you still think about our company? Hindi niyo man lang ako tinanong kung okay ba sa akin ang kondisyon na iyon? At hindi niyo ako binigyan ng kalayaan na magdesisyon!” protesta ni Renzo sa ama. Bigla siyang sinampal ni Gabriel nang sumagot siya. Ka