CHAPTER 78 ALLISON’S POV EXCITED na binuksan namin ni Isabella ang laptop dahil tatawagan na kami ni Chris. Pinindot ko ang Skype saka ilang minuto ang inantay namin nang biglang nag-ring iyon kaya kaagad naming sinagot ang tawag. “Hello!” ngiting kaway ni Chris sa screen. “Daddy!” sigaw ni Isabella nang makita si Chris. “When are you coming back?” tanong ng anak ko. “I’ll be there next week. Oh! I have something to show to you.” May kung anong kinuha si Chris kaya nawala siya bigla sa screen. Binaling ko ang tingin kay Isabella at tanaw ko ang maligayang mukha niya habang inaantay ang pagbalik ni Chris sa screen. Ilang sandali lang ay napasigaw sa tuwa si Isabella nang makita ang blue bunny stuffed toy. “My Bubbles!” masiglang sigaw niya sa pangalan ng kaniyang laruan. “I’m gonna