3rd Person POV NAGMADALING pumasok si Miss Quitania sa opisina ni Gabriel upang ilahad ang importanteng balita. “Bakit parang nagmamadali ka Miss Quitania? Do we have a problem?” kunot-noong tanong ni Gabriel habang nakaupo sa swivel chair at may tinitipa sa laptop. Humugot muna ng malalim na hininga ang sekretarya ni Gabriel dahil sa katatakbo. “Sir Gabriel…nanakawan tayo ng pundo para sa renovation ng resort.” Kagyat na sinara ni Gabriel ang kaniyang laptop at mabilis na napatayo dahil sa masamang balita. “What?! Paanong nangyari iyon? Nakapag-sod cutting na tayo kahapon!” galit na tonong bigkas nito sa sekretarya niya. “Yung bagong accountant po natin ang kumuha at hindi na po namin siya ma-kontak.” Napahawak ng ulo si Gabriel at bumuntong hininga. Hindi niya akalain na mangyaya