CHAPTER 30 LAUREL’S POV “HOW dare you ruined the event, Laurel!” Isang malakas na sampal ang inabot ko nang pumasok ako sa office ni dad. Hindi ko na napiglan mapaluha dahil sa kirot na ginawa niya. Sa mga oras na iyon ay wala akong ginawa kundi humingi ng tawad sa kaniya. “D-dad… I’m sorry. Please forgive me,” maluha-luhang pakiusap ko. Narinig ko ang pagsinghap ni dad dala ng galit, kaya bigla akong lumuhod sa harap niya at muling humingi ng tawad. “Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag black theme ang kasal niyo?! Ano susuotin ng mga bisita? Damit pang lamay?!” bulalas niya sa akin. Yumuko ako at sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ang lumabas mula sa aking mga mata, at napahikbi ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko. “At sino iyong Samantha Fuentes? Bakit hinayaan mong makapasok