CHAPTER 76 ALLISON’S POV NAHIGIT ko ang hininga ko sabay napatakip ng bibig nang makita ko ang ginawa ni Laurel. “S-si…Anna Marie?” nginig kong sabi habang nakatitig sa screen ng laptop. Matapos ang video ay agad na nag-play ang voice record na tantya ko’y boses ni Laurel iyon at natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. [Ikaw na bahala. Basta’t kailangan mawala sa mundong ito ang mag-asawang Fuentes.] [Makakaasa ka, Miss Laurel.] Nagsitindig ang mga balahibo ko saka muling humigit ang hininga ko matapos kong marinig iyon. May kung anong luhang pumatak mula sa mata dahil sa bigat ng naramdaman ko. Marahang napabuga ako pagkuwan ay napahawak ako sa dibdib upang subukang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na namalayang napakuyom na pala ako ng kamay sa galit. Hindi ko akalaing pat