CHAPTER 83 3RD PERSON POV NAKAKUYOM ang kamay nang lumabas si Renzo patungong opisina ni Laurel. Marahas niyang binuksan ang pintuan kaya nagulat ang asawa pagdating nito. “What are you doing here?” nagtatakang tanong ni Laurel dito. Walang pasubaling nagtungo si Renzo sa puwesto ni Laurel saka mahigpit na paghawak ang ginawa niya sa kuwelyo ng asawa pagkuwan ay inangat iyon. Mabilis na t***k ng puso ang naramdaman ni Laurel dahil hindi niya maintindihan kung bakit ginawa iyon ng asawa niya. Masid niya ang matalim na titig nito na tila ilang sandali ay sisila na parang leon. “R-Renzo. A-Anong nangyayari sa’yo?” Hindi sinagot ni Renzo iyon bagkus hinila niya si Laurel at pinasandal sa pader. “Wala ka nang ginawa kundi pagsinungalingan ako! Ano ‘to ha? Ano to?!” wika nito nang ipak