CHAPTER 100 3RD PERSON POV NAPATIKLOP TAYO ng tuhod si Nanay Sally kasabay ng marahang paghampas niya sa balikat ni Renzo habang pinagmamasdan niya ang palayong sasakyan ni Laurel. “Jusko, Renzo! ‘Bat hindi mo siya pinigilan?” natatarantang sambit nito sa kaniya. Humarap si Renzo kay Nanay Sally at tanaw nito ang takot na mukha nang magtama ang paningin nila. “I’m sorry, Nanay Sally. Pero ginawa ko iyon para hindi kayo mapahamak. Kilala ko si Laurel, hindi niya kayang kontrolin ang emosyon niya kaya malaki ang tyansang mabaril tayo kung hindi natin siya hahayaan. At si Isabella ang gusto niyang at gamiting pain para makuha niya si Sam at paghigantihan.” “Ano na gagawin natin? Paano natin mahahanap si Laurel?” Kampanteng ngumiti si Renzo kay Nanay Sally kaya nagsalubong ang mga mata