CHAPTER 34 SAM’S POV SUMAKAY ako ng taxi papuntang Dela Cruz building, dahil do’n ko susukatin si Laurel para sa wedding gown niya. Nang bumaba ako ng sasakyan ay kaagad na akong dumiretso upang pumasok. Nasa lobby ako nang pinagtitinginan ako ng mga empleyadong papasok din ng elevator. Hindi ko na lang sila pinansin, dahil siguro nagulat sila kung bakit nasa building nila ako ngayon. O baka naman may tanong sa isip nila kung bakit itim na gown ang napili ko para sa kasal ni Laurel? Pagpasok ko sa loob ng elevator ay biglang tumunog ang sensor, napansin ko nalang na sumobra na pala sa weight capacity ito dahil crowded na rin. “Labas na kayo miss, malalate na kami,” inis na wika ng lalaki sa likuran ko. “Sorry,” tugon ko, at mabilis akong lumabas. Naghanap ako ng ibang elevator ngu