CHAPTER 62 ALLISON’S POV NATIGILAN ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. He saved Nanay Sally’s life? Ibig sabihin no’n ay buhay pa siya? Napahinga ako nang malalim at biglang nanghina ang buo kong katawan kaya halos ako mapaupo muli sa bermuda grass nang marinig ko iyon. Kagyat niyang hinawakan ang braso ko at inalalayan upang hindi ako matumba. Natulala ako dahil hindi ko pa rin maintindihan kung paano nangyari iyon. Ibang tao ba ang nasa puntod ni Nanay Sally? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala mga luha ko. Napakurap ako’t tumingala upang pigilan iyon. Marahan akong bumuga ng hangin pagkuwan ay napalunok. Ilang sandali lang ay muli ko siyang hinarap. “Paano nangyari iyon?” tanong ko sa kaniya kaya tinanggal ni Ian ang pagkahawak niya sa braso ko. “I was there to visit Nanay Sa