CHAPTER 37 SAM’S POV “DID you enjoy the movie?” tanong ni Chris na kalalabas lang namin galing director’s club. Nilingon ko siya at nakita ko sa mukha niya na masaya siyang kasama ako. Ilang sandali lang ay biglang nagtama ang mga mata namin kaya mabilis kong nilayo iyon. “Y-yes! Ang ganda talaga ng Jumanji: The Next Level, nakakatawa yung mga bida,” sagot ko sa kaniya, saka namula ang mga pisngi ko. Bakit ba ang guwapo ng katabi ko? Umiling ako. Ayokong ipakita sa kaniya na kinakabahan ako pag kasama ko siya. “Gano’n ba?” Habang naglalakad kami ng mall papuntang restaurant kung saan kami kakain ng dinner ay bigla ko na lang naramdaman ang mga daliri niya sa palad ko until we interlocked our fingers. May kung anong kuryenteng dumaloy sa buo kong pagkatao nang hinawakan niya ang k