CHAPTER 14 SAM’S POV LAHAT pumunta sa burol, kasama sina Laurel at Renzo. Namatayan ako ng dalawang taong pinakamamahal sa buhay at hindi ko maiwasang isipin kung bakit nangyayari ito sa’kin. Labis na kalungkutan ang naramdaman ko nang dumating ang dalawang kabaong. Habang pinagmamasdan ko iyon ay nagunita ko ang masasayang alaala no’ng nabubuhay pa sina mommy at daddy. “Ma’am! Sir!” malakas na hiyaw ng mga katulong nang pumuwesto sa harap ang mga labi nila. Tumangis sila sa kalungkutan. Muli kong sinuot ang dekolor na salamin upang takpan ang kalungkot ng aking mga mata. Huminga ako ng malalim bago umupo. “I’m sorry for your loss, Sam,” dinig kong wika ni Laurel nang lumapit siya sa’kin. Halata naman na hindi sincere ang pagkasabi niya. “Thank you,” malumanay na sagot ko sa kani