CHAPTER 110 ALLISON’S POV “GOOD MORNING,” ngiting bati ko kay Chris nang hinahain ko na ang niluto kong pancake para sa breakfast nila. Nag-leave muna ako ng ilang araw sa kompanya para maalagaan ko nang maayos ang asawa ko dahil sa sugat niya. Ilang sandali lang ay bigla niya akong hinagkan sa likod saka inamoy ang pawisan kong leeg habang ginagawa ko iyon. “Ano ba Chris! Wala pa akong ligo!” nahihiyang sambit ko sa kaniya ngunit marahang tinawanan niya lang ako kaya naramdaman ko ang pagbuga ng hangin sa leeg ko dahilan ng malakas kong paghalakhak nang makaramdam ako ng kiliti. “Nakikiliti ako saglit lang,” natatawang wika ko sa kaniya saka nilingon ko siya. “Stop it!” muling sigaw ko sa kaniya ngunit bigla niyang inangat nang b