CHAPTER 32 SAM’S POV HINDI ko maigalaw ang sarili kong katawan nang makita ko ang presensya ni Christopher Moore. Nang bumalik na ako sa huwisyo ay napakusot ako ng mata kung hindi ba ako nananaginip. Ngunit hindi. Si Christopher Moore talaga ang kaharap ko ngayon. Yung iniidolo kong fashion designer. I can’t believe it! “A-anong ginagawa mo rito, Sir Christopher?” nauutal kong sabi sa kaniya. Nakita ko lang siyang ngumiti and I don’t know how to deal with that cute smile. “Pinapunta kita rito, remember?” ngiting tugon niya sakin, saka nagtama ang aming mga mata. Kung staring contest ito tiyak na talo ako dahil sa nakakatunaw niyang titig sa akin. Humugot ako nang malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili bago ako magsalita. “Ikaw po ang nagpapadala sa akin ng regalo araw-ara