ILANG araw na ba ang nag daan? Ilang araw na kaming nasa hospital. Lumabas ako ng banyo matapos kong itapon lahat ng isinuka niyang pagkain. Hindi tinatanggap ng katawan ni David ang pagkaing tao kahit na mortal na ito. Bakit? Ano bang mali? "David kailangan mong magpalakas." "What's this?" Tukoy nito sa ikakabit sa kanyang swero upang daluyan ng pagkain. "Natalie!" Sigaw ni David at tinanggal ang swero mula sa kanyang ilong. Galit ito. Alam kong ayaw niyang humantong kami sa ganitong sitwasyon pero ano'ng magagawa ko? Gusto kong mabuhay siya. Nanlilisik ang mga mata nito sa nurse kaya naman pinalabas ko na muna ito para makausap ang asawa ko. "David please. Hindi tinatanggap ng katawan mo ang pagkain. Baka pwede natin daanin sa ganito." Nagsusumamo kong sabi. Iniwas nito ang tingin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books