Natalie: Buhat buhat ko saking mga bisig si Talia. "Namiss kita anak ko." Hindi maiwasang umagos muli ang mainit kong mga luha dahil sa nangyare. Wala na ang kapatid ni Talia. Wala na. Naramdaman ko ang mainit na kamay na yumakap saking bewang. Nilingon ko ito at nakita ko ang asawa kong malungkot na nakatitig sakin. "David hindi kaba nakatulog?" Tanong ko dito at hinaplos ang kanyang mukha. Nangingitim kasi ang ilalim ng kanyang mga mata. Nginitian lang niya ako at niyakap kami ni Talia. Niyakap at hinagkan ako saking noo. Bigla nalang siyang napabitaw ng hindi ko alam ang dahilan. Natumba siya sa sahig kaya't agad kong inilapag si Talia sakanyang higaan. "David!" Pag aalala ko sa asawa ko. Pinagpapawisan ito at hingal na hingal. Mainit nanaman ang kanyang katawan at tatlong araw