"Daddy, sabi ni Granny may kasama ka raw dumating kaninang umaga? Nasaan na po siya, Daddy?"tanong ni Enrico sa ama nang bumaba ito kinahapunan. "Yes, Baby, kasi kawawa siya. Kapiling na ni Bossing ang Nanay at Tatay niya. She's alone na kasi anak. So I asked her if she want to stay here in Baguio," tugon ni Garrette sa anak. Dahil umaga na rin nang dumating sila sa kanilang tahanan, after nila nag-almusal ng mga kasamahan niya ay binilinan niya ang mga ito na magpahinga muna. Siya na lang ang kumausap sa pinsan niya na huwag silang hanapin. Bilang tao ay nauunawaan din niya ang pagod ng mga ito dahil kahit siya ay sobrang pagod din. "Nasaan na po siya, Daddy? Kawawa din po siya kasi wala na po siyang Mama at Papa." Sa murang edad nito ay marunong na itong umunawa sa mga bagay - ba