"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, Iho. Magpagaling ka dahil alam kong ginawa mo ang lahat para sa anak namin. Ngunit sa ngayon ay kailangan n'yo munang maghiwalay ng landas. It's not what you think, Elijah Gregg. Kilala mo naman siguro ang Kuya niya na nasa Spain. Isa siyang general surgeon kaya't kailangan naming dalhin si Janina roon upang maagapan ang blood clots sa utak niya," pahayag ni Joy na agad sinundan ni Garrette. "Tama ang Tita mo, anak. Hindi ko alam kung nakita mo na si Enrico dahil best friend naman ang biyanan niyang lalaki at ang Lolo Darwin mo. And how many times they visited there when they are here in Baguio. At kagaya nang sinabi ng Tita mo ay maaagapan pa ang selective amnesia ni Janina. Don't worry, Iho. Malaking pagamutan ang hawak ni Enrico dahil pag-aari iyon