Dahil hindi nagtagumpay ang grupo ni Attorney Garcia ay sila na mismo ang gumawa ng hakbang. Kailangan nilang malaman kung tama nga ba ang hinala nila laban sa pinakabata sa kanilang trabaho.
"Napansin ko lang, guys. Mukhang nagkakamabutihan ang madreng iyon at si Attorney Cameron ah," ani Attorney Inggram.
"Okay let's say, sabihin nating nagkakamabutihan nga sila, ano naman ang connection sa kasong hawak dati ni Attorney Carpio?" kunot-noo namang sagot ni Attorney Garcia.
"Well, wala naman sa ngayon. Ang sa akin lang naman ay malay natin sa pamamagitan ng madreng iyon ay may matutuklasan tayo. We are running out of time." Binalingan ni Attorney Inggram ang kapwa abogado.
"Kaysa mag-isip kayo ng kung ano-ano riyan ay mas mabuti pa na ang tutukan natin ay kung nasaan ngayon si Attorney Carpio at kung kanino niya ipinasa ang dati niyang hawak," sabad naman ng isa.
"Ganito na lang, guys. Mailap pa naman sa disgrasya ang taong iyon. May isa na lang sa atin ang maging stalker niya para mapadali ang pag-iimbistiga natin. But it doesn't mean that we will not help each other. We're getting out of time. Ilang araw na lamang darating na si Boss. Narinig n'yo naman ang sinabi noong tumawag siya," ani Attorney Garcia.
"Hmmm, you have a point attorney. Ngunit baka mas makahalata sa atin si Cameron kapag ganoon ang gagawin natin." Napailing-iling ang isa dahil sa pag-aalala.
"Para ka namang hindi abogado sa lagay na iyan, Attorney. Bahag agad ang buntot mo. Ang sagot diyan, we'll accross the bridge when we got there." Napatawa tuloy si Attorney Inggram dahil sa pangangantiyaw sa kasama.
Dahil sa simpleng pangangantiyaw nito ay umugong ang tawanan nilang lahat na naroon sa meeting room. Subalit hindi rin nagtagal ay muli silang sumeryoso.
"Ang isa pa nating dapat pagtuunan ng pansin as I've said a while ago ay ang blue book. We all know na ang blue book na iyon ang magpapabagsak sa ating lahat. Kaya dapat ay iyon ang unang-una nating mahanap. Pangalawa ito ay ang paghahanap natin sa taong pinasahan ni Carpio ng kaso which we really need to know too. Dahil involve ang Big Boss and the group. And lastly ay iyan si Cameron at any whereabouts niya," muli ay pahayag ni Garcia.
"I agree with you, Garcia. Alam naman natin ang schedule ng batang iyon. Nakakapagtaka lang din na wala siya ngayon---"
Pero hindi na natapos ni Solis o ang isa pa nilang kasama ang pananalita dahil nabaling ang kanilang paningin sa nakangising mukha ng kasama.
"Hey you, what's on that smile?" sabayan nilang tanong. Ngunit si Attorney Garcia na rin ang sumagot sa tanong nila.
"Ako na guys ang sasagot sa mga iyan. Cameron is not an easy boy. Dahil kung wala lang din kayong nalalaman sa martial arts ay huwag na kayong mag-inarte sa harapan niya. Kahit may hawak kayong baril kung malingat kayo kaunti ay wala pa rin itong silbi. You know what I mean. He can defeat you barely by his palms and feet," nakatawa niyang pahayag.
The result?
They have multiple works. Una, kailangan nilang hanapin ang blue book at kung sino ang nakahawak o nangangalaga. Pangalawa ay kung nasaan si Attorney Carpio at kung kanino nito ipinasa ang dating hawak na kaso. Pangatlo ay ang pinakabata sa kanilang trabaho na si Attorney Cameron. Kailangan nila itong bantayan.
As the days goes on!
After a few days sa wakas ay nakauwi na rin si Weng sa kanilang tahanan. Pero laking gulat niya dahil nandoon pa rin ang lalaking dahilan kung bakit nagdilim ang paningin niya. Buong akala niya ay umalis na ito. Kaso bago pa siya nakapagbitaw ng salita ay naunahan na siya ng panganay na anak.
"Mama, huwag ka na sanang magalit dahil pinayagan po namin siyang dito muna manirahan. I know it's hard for us lalo po sa panig mo but let me talk first, Mama. Nanganganib na rin ang buhay ni Papa hindi dahil sa nakaraan pero naging bunga ito ng nakaraan. Hindi ko man po nakasama si Papa ng matagal pero nakasama ko po si Mother Monica ang kapatid po ni Papa kaya't naikuwento na rin po niya sa akin ang nangyari. Pinarusahan na po ng langit si Papa and after he was punished, he repented as he promised na gagawin ang lahat para makabawi sa mga kasalanan o sa nagawa niya sa iyo. One of this days when Garrette will be free from his too much work ay sasabihin po niya ang ibang supporting details sa mga nagawa ni Papa. Ang sa akin lang po ngayon ay ang maibigay mo po ang kapatawaran sa kaniya. Alam ko naman po na hindi madali, Mama, pero isipin n'yo po na ang Diyos ay nagpapatawad gaano man kalaki ang nagagawa nating kasalanan. Tayo pa kaya na nilalang lang niya ang hindi maibigay ang pagpapatawad? Let all your burdens go and set yourself free from the shadow of the past, Mama," mahaba-habang pahayag ni Rochelle Ann sa ina.
"Hindi ko ginagamit ang Panginoon upang patawarin mo ako, Rowena. Subalit dahil nagkasala ako sa batas ng tao at batas ng Diyos ay masasabi ko ito. Tama ang anak mo, Rowena. Wala na akong balak manggulo sa buhay ninyong lahat. Dahil alam kong nagkasala ako. Ang sa akin lang ay makamtam ang kapatawaran mo ay masaya na ako. Handa ko nang isuko ang sarili ko basta mapatawad mo lang ako." Luluhod sana si Rafael upang ipakitang sensero siya sa paghingi ng paumanhin subalit pinigilan siya ni Rowena.
Infront of her husband, her daughter, her in-laws she opened her mouth an started to talk.
"Noon ay ipinangako kong babalikan ko ang lahat ng sangkot sa bahaging iyon ng buhay ko. Tanging ang Yaya at nagbigay ng Zaragoza kay Ann-Ann ang nakaalam na nag-aral akong muli para lamang maging alagad ng batas. Sinuong ko ang mapaglarong mundo hanggang sa unti-unti kong natagpuan ang mga kaibigan mo pero hindi rin sa palad ko naparusahan kundi sa legal na paraan, ang batas ang mismong nagpataw ng parusa sa kanila." Bahagya siyang tumigil at huminga ng malalim bago muling nagpatuloy.
"Subalit dahil naglaho ka na parang bola ay ibinaon na rin namin sa limot lalo at may pamilya na tumanggap sa aming mag-ina. Ang pamilya Aguillar, they love and accepted us as they do their own children. Sa tulong at pagmamahal nila ay naayos at nagkapatawaran din kami ng mga magulang ko. Kahit na pare-parehas na nagkamali ay mas naging matimbang ang pagmamahal sa kapwa at pagpapatawad. Dahil naniniwala pa rin kaming may Diyos na nakakaalam sa kakayahan ng bawat tao." Muli siyang humingang malalim saka itinuloy ang pananalita.
"You're forgiven, Rafael. And hopefully you will never do that anymore to anyone," mahaba-habang pahayag ni Rowena at sa oras ding iyon ay ramdam na ramdam niya ang paggaan ng kaniyang pakiramdam.
Nakikinita niya sa balintanaw ang imahe ni Jesus na nakangiti sa kaniya. Sa hitsura pa lamang ng imahe ay nauunawaan na niya ang nais nitong iparating. Tama lamang ang ginawa niyang pagpapatawad sa nagkasala sa kaniya. Tama ang pagpalaya niya sa bigat ng dibdib. Kaya't nakangiti rin siyang tumango-tango sa imaheng nagpakita sa kaniya.
Samantalang hindi naman agad nakahuma ang nakapaligid sa kanila. Dahil sa haba nang pahayag nito. They have only one thing in their minds, the suspect was forgiven. And they will close once again and forever the case that was happened three decades ago.
As the reality hit him, Rafael endlessly express how thankful he is because they forgive him. Walang hanggang pasasalamat ang naging bukambibig ni Rafael. Ngunit wala siyang pagsisisihan dahil sa wakas ay nakalaya na siya ng tuluyan.
But...
Sa pagpapalaya at pagpapatawad nila sa isa't isa ay eksakto ring dumating si Garrette kasama ang mga taga Camp Villamor kaya naman labis-labis ang pagtataka nila but no one dare to speak until Attorney Cameron started to say his words.
Dahil sa klase ng trabaho niya ay isipan niyang isangguni sa ama ang kasalukuyang kinakaharap. Ang taong inidolo niya simulat sapol. Sinabi niya rito ang kasong hawak , wala siyang inilihim sa ama. Sino nga ba siya para hindi magsabi sa ama. Ikinuwento din niya ang tungkol sa pagkagusto niya sa kay Rochelle Ann.
"Anak, I know you know but let me tell you. Kailangan mo munang isantabi ang tungkol sa damdamin mo lalo at may kinakaharap kang kaso. Isipin mo na mga malalaking isda ang sangkot at kapag pumalpak ka riyan ay buhay mo ang kapalit. And if about the cases your handling ay kailangan mo na ng back up. I know you can protect yourself but iba ang kasong hawak mo," pahayag ni Shane I dahil sa idinulog ng anak.
"Yes, Daddy. Kaya hindi ko---"
"Anak, kung ako sa iyo kalimutan mo na iyan dahil ang Diyos ang kalaban mo. Pagtuunan mo ng pansin ang hawak mong kaso. Hindi sa ayaw kong makipagrelasyon ka pero bilang isang ina ay pinapaunahan na kita anak huwag ng ituloy iyan. Dahil masasaktan ka lang at iyan ang ayaw na ayaw kong mangyari." Pamumutol ni Marga sa anak. Dahil sa pagdulog sa kanila ng pangalawa nilang anak ay dineretso na rin nila ang tungkol sa plano nilang balaan ito tungkol sa magmamadre na iniibig nito.
Kaso naging pasaway na yata ang Ginoo dahil imbes na segundahan ang asawa ay nanutil pa nangantiyaw pa.
"Anak dalawang buwan pa according to you bago muling bumalik sa Vatican si Chelle mo. Matagal pa iyan and you have enough time para magawa ang gusto mo or should I say para maipatupad mo ang way na tinutukoy mo. But let me remind you anak, kapag magkagipitan don't throw to anyone a blame dahil ginusto mo iyan," anito na hindi malaman kung nang-aasar ba o hindi.
Napanganga ang mag-ina dahil sa tinuran ng padre de-pamilya. Pero agad ding nagsumiksik sa isipan ng Ginang ang tinuran ng asawa. Then, out of the blue ay bigla nitong kinurot ang asawa kaya naman ay napahiyaw ito.
"Ikaw na matanda ka, imbes na ayusin mo ang pangaral mo ginawa mo pa na biro." Kinurot niya ito ng pinong-pino tuloy ang binata naman ang napatawa sa kanila.
"Well, well, very well said, Daddy. Idol talaga kita and don't worry, Daddy. I will do it but for now help me first to ask for help sa Camp Villamor secretly. At isa pa nasa panganib ang taong sangkot sa kaso o ang star witness ko." Nakangiting bumaling si Garrette sa mga magulang subalit hindi napaghandaan ang pagkurot ng ina.
"Mommy naman, we're all adults but you're still pinching us." Nakangiwing angal ni Garrette kaso ang ama naman niya ang binalingan nito.
"Ikaw Shane, imbes na tulungan mo ang anak natin upang umiwas at kumbinsihin para kalimutan na ang dalaga ni Weng dahil ilang buwan na lang ay maordain na ito. Pero hindi, dahil ikaw pa ang magsulsol sa kaniya para ituloy ang plano niya. Kapag ako ang tuluyang mainis sa inyong mag-ama ay talagang pag-untugin ko kayo," inis nitong sabi saka bumaling muli sa kaniya.
"At ikaw naman, Garrette, kalimutan mo na iyan. Ako na ang nagsasabing huwag mo ng ituloy iyan. Dahil ngayon pa lamang ay alam kong walang patutunguhan iyan. Humanap ka na lang iba kahit pa mahirap at taga bukid basta huwag ang alagad ng Diyos. Kahit bali-baliktarin mo ang mundo ay hindi ka mananalo sa labang iyan." Pinanlalakihan pa siya ng mata.
Kaya naman kahit tagos sa kaniyang puso ang pahayag nito ay nagawa pa rin niya ang sumagot.
"Mommy, hindi pa---" hindi pa naman siya ganap na madre. Nais sana niyang sabihin subalit naging machine gun na yata ang bibig ng ina dahil pinutol nito ang sinasabi niya.
"Kahit na, Garrette. Huwag ang Diyos ang kalabanin mo. Dahil kahit gaano ka katapang at kasigasig bilang abogado ay wala kang panama sa Diyos. At isa pa, puwedi bang huwag mo munang ihalo ang mga ganyang bagay kung trabaho mo ang pinag-uusapan. Aba'y ilang death treat na ba ang natanggap mo simula ng nasa iyo ang kasong iyan? Ilang pagtatangka na ba sa buhay mo? Kaya't umayos ka kung ayaw mong samain sa akin!" asik nito sa kaniya.
"Mommy, huwag ka ng magalit. Dahil kung maturuan ko lang sana ang puso ko ay ginawa ko na sana noon pa pero hindi eh. Pero sa ngayon ay maiwan ko muna kayo at pupunta muna ako sa Camp Villamor para maidulog ang problema ko. " Lumakad na siya palabas pero muling lumingon nang nakailang hakbang na siya.
"Only I can say is I love her that much, Mommy. I will do everything just to win her and make her as my woman," he said with full of determination as he walked away from his parents.
ITUTULOY