Sa pakikipagtulungan ng Camp Villamor sa AGDA at Police Department kung saan isang Chief Inspector ang kapatid na binata ni Shailene, pati na rin ang military department kung saan kabilang ang tiyuhin nito ay hindi na sila nahirapan sa pagtimbog sa Nickel Deon FM Radio Station. Napatunayan nila na lahat ng mga haka-haka sa may-ari ng stasyon ay pawang katotohanan. Pinatunayan ng tatlong katao na bigla na lamang nawala. Idagdag pa ang natagpuan nilang mga sari-saring kagamitan sa bodega kung saan ikinulong ang tatlo. "Let the priest bless this place. I guess it's not a normal place," wika nga ni Garrette nang nakalabas silang lahat sa bahaging iyon ng FM Radio Station. "Hmmm, nandito po ngayon sa bansa si Kuya Prince Phillip, Tito. Siya na lamang po ang magsasagawa ng misa," ani Shailene

