Time flies so fast! Sa awa ng Diyos ay naging maayos naman ang trabaho ni Christine Joy sa Saudi. Regular din ang naging communication nila ni Garreth. Pero... "Joy, I'll be leaving tomorrow. You'll stay here with my two kids and my husband. I'll travel to Europe to attend the graduation of my other son." Isang gabi ay kinausap ni Mrs Saud si Christine Joy. Sino ba siya para tumutol? Isa lamang siyang katulong, trabaho niyang bantayan at pagsilbihan ang mga amo niya. Iyon ang dahilan kung bakit nandoon siya sa bansang Saudi Arabia. May takot man siyang nadarama dahil sa unang pagkakataon ay maiiwan siyang mag-isa sa piling ng mga alaga niyang teenagers at sa bedridden nilang ama. Sa loob ng isang taon niya sa Kingdom of Saudi Arabia ay wala siyang naging problema at sana ay tuloy-tul