Few months later... "Kumusta ang pakiramdam mo, Mahal?" masuyong tanong ni Garrette sa asawa nang iminulat ang mga mata. "Hmmmm, sorry kung ibabalik ko ang tanong mo, mahal. Nasaan ba ako? Saka bakit mukhang malungkot ka?" balik-tanong nito. "Nandito ka sa pagamutan, mahal. Nasa opisina ako nang tumawag si Mommy. Itinakbo ka raw nila rito sa pagamutan," pahayag niya. Samantalang sa narinig ay pansamantalang natigilan si Christine Joy. Inalala niya kung ano nga ba ang nangyari at nasa pagamutan siya. Dahil ang natatandaan niya ay palabas siya ng kanilang silid nang bigla na lamang siyang nahilo. Napasandal pa nga siya sa sementadong railings. At ang huli niyang natandaan ay may mainit na likidong umagos sa binti niya. Sa kaisipang iyon ay napatingala siya sa asawang hawak-hawak ang pala