Halos hindi pa nakakarating sina Garrete sa kanilang tahanan mula sa mahaba-haba nilang biyahe ay muli na namang binulabog na naman siya ng kaniyang cellphone. "Ano ba naman itong general na ito. Kapag nasa tabi ko lang ito ay nakatikim na talaga sa akin. Hindi ko pa nakikita ang anak ko tumatawag ka na naman," para tuloy siyang bubuyog na bubulong-bulong. Wala namang ibang nangungulit sa kaniya kundi ang pinsan na best friend niyang kasalukuyang ama ng Camp Villamor. Hindi naman sa ayaw niya itong kausapin subalit nasa parking area pa lang siya ng tahanan nila ay tumatawag na naman ito. Kaya naman bago pa nito bulabugin ang mga nagsisipaglaro sa tahanan nila ay agad niyang dinampot ang tawagan niyang non-stop na yata sa pagtunog. "General Vince Ethan Aguillar, anong maipaglilingkod ko