Kinabukasan... "Good morning, Hon. Bakit mag-isa ka lamang dito? Nasaan ang apo natin?" tanong ng padre de-pamilya sa maybahay. "Kung galing ka sa labas ay nakasalubong mo siya, Honey. Dumaan ang pamangkin natin at isinama siya kina Mama. Big boys na raw sila kaya't huwag na raw magpakababy. Alam mo naman ang batang iyon siguradong dinaanan nila si Aries Dale," tugon ng Ginang nang nahagkan na siya ng asawa sa labi as good morning kiss. "Tama ka riyan, Hon. Ngunit sa una mong sinabi ay hindi. Baka nagkasalisihan lang kami kaya't hindi nagpang-abot." Naupo na siya sa sofa. Ilang sandali pa ay naisipang itanong ng Ginang ang anak na nasa ibang bansa. Laking pasasalamat nga nila dahil dinaanan ng pamangkin nila ang kanilang apo dahil minsan nauubusan din sila ng paliwanag. Bata sa edad ng