"Ha? Nasabi iyan ng bago mong kakilala, anak?" tanong ni Janina dahil sa pahayag ng anak niyang sumama sa mga magulang na namasyal. "Opo, Mommy. See this necklace? Oh, he must have gone mad. He gave a necklace just like that to me." Napaismid na ipinakita ni Irish Janine ang kuwentas. Kaya naman ay si Christine Joy na ang sumagot o nagpaliwanag. Alam naman niyang hindi basta-basta maniniwala ang ibang makakarinig sa bagay na iyon. Ngunit sila na mismo ang nakasaksi at nakarinig sa pahayag ng batang lalaki. "Tama ang anak mo, Iha. Nandoon kami ng Daddy mo. Saka baka kilala n'yo rin ang magulang ng batang iyon dahil isa sa mga great grandchildren ni Lola Surene. Maaaring bata pa iyon kaya't hindi pa maunawaan ang ibig sabihin ng panliligaw," aniya. Kaso iba naman ang sinabi ng asawa niya

