"Congratulations, Insan na best friend. Napatunayan mong muli na kahit marami na ang puti sa mga buhok natin ay wala ka pa ring kupas pagdating sa batas." Masayang inilahad ni General Aguillar ang palad para sa pakikipagkamay. "Thank you, pinsan na best friend. Hindi naman nagtagumpay ang kasong iyon kung hindi mo ako tinulungan. Ang sa akin lamang din ay mapanatili ang kapayapaan para sa lahat lalong-lalo na sa San Nicolas Orphanage. Dahil ang lugar na iyan ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ng hipag mo. Ang sumagot sa hinahanap niyang KATARUNGAN. Again, thank you very much, insan na best friend." Malugod ding tinanggap ni Garrette ang palad ng pinsan niya. Totoo naman kasing muli siyang nanalo sa kaso laban sa mag-asawang nagbalak na pabagsakin ang San Nicolas Orphanage sa pamamag

