CHAPTER SEVENTEEN TUWING gumigising sa umaga'y kalinga at pagmamahal kaagad ng asawa ni Ingrid tulad ng dati ang kanyang hinahanap-hanap, umaasang isang araw ay magigising siyang normal na lamang ulit ang lahat. It's not that easy, Ingrid, oh come on! pangaral pa niya sa sarili. Isang linggo na rin simula nang mangyari ang lahat. Ang tuluyang pagpapalaya ni Logan sa kanya at ang kanyang pagtuklas ng buong katotohanan. Bumaba siya ng hagdan at pumuntang dining area habang inaalala ang lahat. No'ng mga panahong gumigising siya sa umaga't handa na ang lahat, luto at nakahain na ang mga pagkain. Maingat na aalalayan siya at ipaghihila ni Logan ng upuan tapos ay pupunuin ng masusustansyang mga luto nito ang

