CHAPTER TWELVE Umiling siya. “Wala naman.” Natuwa ito. “Kung gano'n, tara night out tayo.” Nag-alanganin siya. As much as possible kasi gusto niyang umuwi sa bahay ngayon ng maaga dahil nag-aalala siya kay Logan. Sa mga inasal kasi ng asawa niya kaninang umaga ay halata sa mga mata nito na parang may bumubulabog na kung ano rito kaya hindi niya maiwasang mag-alala rin para rito. “Uhm... kasi, Lan-“ “Nah. Bawal ang kasi-kasi.” tatawa-tawang iling ni Allan. “Pero-“ “Bawal din ang pero-pero.” dugtong pa nito saka idinantay ang palad nito sa isang kamay niyang nasa mesa. “Ngayon na nga lang ulit tayo makakagala ng

