CHAPTER TEN Nakakaintinding tumango siya. Tama ito, kailangan na nga nilang mag-ingat dahil maraming connection ang mga Montgomery sa Maynila lalo na sa Lungsod. She knows it very well. Mali itong ginagawa niya. Mali ang pagsama niya sa isang dating nobyo ng hindi alam ng kanyang asawa. Mali ang pagsama niya kay Allan dahil asawa na niya si Logan. Pero anong magagawa niya? Kay Allan lamang siya sumasaya ng ganito bawat oras na kasama niya ang lalaki! Nakakaintinding tumango siya rito. Panatag na ngumiti ito at nagsimula na silang kumain nang dumating na rin ang kanilang order. Pinagmasdan niya ito habang tahimik na kumakain at napangiti siyang bigla nang maalala ang una nilang pag

