NALAMAN niyang ipinagawa ng asawa ng resthouse na iyon dahil nakatanim daw sa isip nito ang sinabi niya noong, pangarap sana niyang tumira noon sa ganitong klaseng lugar. Wala siyang pagsidlan ng kaligayahan. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niyang napakabuti para bigyan siya ng asawang kasing-bait ni Arnie. Labis labis ang kaligayahan niya dahil sa pagdating nito sa kanyang buhay. Pagkatapos ng kasal nila ay sa mansyon na ng mga ito siya tumira kasama ang anak na si Catie, dahil na rin sa hiling ni Arnie. Ayon dito ay mas maganda kung magkasama silang mag-ina bagay na gusto naman talaga niya kaya lamang ay nahihiya siyang mag-demand sa asawa. Mabuti na lang at sadyang mabait ito at alam kung ano ang mas makabubuti. Tuwang-tuwa rin ang Mama nito dahil doon. Labis ang galak nito at sa