"SWEETHEART!! Hey! Wake up! Wake up!" "Hmmm…" "Nananaginip ka, sweetie," naramdaman niyang tinatapik tapik pa nito ang kanyang pisngi. Dahan-dahan ay idinilat niya ang mata. Ang asawang si Arnie ang nasa harapan niya. Hindi siya nagkakamali, nakabalik siyang muli sa mahal na mahal niyang asawa. Mula sa pagkakahiga niya sa kama ay bahagya itong nakayukod sa kanyang harapan. Hindi niya rin alam kung kanina pa ito roon pero sa palagay niya ay hindi. Nananatili kasing damit pang-opisina ang suot nito. "Babe? Nandito ka? Nandito ako sa bahay natin?" maang na tanong niya saka napabalikwas ng bangon at umupo sa kama. Nilinga-linga niya ang paningin at bahagya pang kinagat ang kanyang labi. Totoo nga. Nasa bahay nila siya at wala sa piling ni Zach. "Ano ba ang napanaginipan mo at ganoon na