Maria's POV Umalis saglit si Alas dahil may kukunin lang daw siya saglit. Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang sarili. Tama ba na 'sang-ayunan ko ang desisyon niya na muling bumalik sa selda? Paano kung sa pag-alis niya ay ito na ang huli naming pagkikita? Kakayanin ko ba? Ayoko 'man mag-isip ng mga negatibo ay hindi ko maiwasan. Nasa loob na ng selda sila Alcaraz at Zandro. Paano kung patibong lamang iyon? Paano kung pagpasok pa lamang ni Alas sa selda ay patayin na siya agad? Napapikit ako sa isiping iyon at muling dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko. Hindi kakayanin ng puso ko na mawala si Alas. Ang kalahati ng buhay ko ay pagmamay-ari niya kaya't alam kong kapag nawala siya sakin ay pati ako bibigay. Pati ako ay mamamatay. Pinahid ko gamit ang likod ng palad ko ang lu