Maria's POV "ALAS!" Malakas kong tawag sa kan'ya habang hawak ang tiyan ko. "Manganganak na yata ako," sambit ko habang nakangiwi. Nagmamadali siyang lumapit sakin. Pinagpapawisan pa at tila hindi alam ang gagawin. Hindi niya kasi alam kung saan ako hahawakan sa sobrang taranta niya. Tumayo ako nang tuwid at binatukan siya nang malakas. "Tingnan mo 'yang gawa mo! Akala ko ba ay matapang ka? Bakit ito lang ay hindi mo magawa nang tama at maayos?!" Naiirita kong sigaw sa kan'ya. Napakamot siya sa kilay niya habang nakangiwi. "Baby naman, nauunahan nga kasi ako ng nerbiyos," dahilan niya na ikina-irap ko. "Naka-ilang practice na tayo, Alas? Hindi mo pa rin ba makuha? Inuuna mo kasi ang takot at nerbiyos mo, e! Unahin mong isipin kaming mag-ina mo! Paano kung manganganak na talaga ako? Ga