Maria's POV Naalimpungatan ako dahil sa dalawang taong nag-uusap. Madilim ang paligid ngunit naaaninag ko pa rin naman sila sa tulong nang lampshade na may kaliitan. Nakaupo sila sa maliit na sofa at tila may seryoso silang pinag-uusapan na hindi pwedeng maistorbo. "Sigurado ka ba dito sa nakuha mong impormasyon?" "Oo naman, Alas! Ako pa ba? Iyan ang tunay na ama ni Maria mo," kumunot ang noo ko sa narinig. Anong pinagsasabi ni Theo? "Paano mo nalaman ang tungkol dito?" "Hindi ba't pina-bantayan mo sakin ang malditang nanay ni Maria? Swerte na hindi ko sinasadya na marinig ang pagtatalo nila ni Mr.Fuentabella. Bale, si Maria ay anak ni Mrs.Fuentabella sa ibang lalaki at ang ibig sabihin 'nun ay hindi kayo tunay na magkapatid. Hindi iisa ang dugong dumadaloy sa mga katawan ninyo," napa