Maria's POV “HOY, Alas! May problema tayo ngayon kaya wag mo munang landiin si Maria mo. Tsk!” Ani Theo na kapapasok lang at naninigarilyo. “Get out!” Tili ni Ate na ikina-gulat ko. “Wag kang manigarilyo dito sa loob ng kubo! May bata tayong kasama baka nakakalimutan mo?” Pagtataray nito na ikina-iling ni Theo. Nag-senyasan ang dalawa na sa labas na sila mag-usap. Ibinigay ni Alas si Hailey kay Ate bago ako dinampian ng halik sa noo. “Labas muna kami.” Tumango lamang ako sa kaniya. Naupo ako sa kawayang upuan dito sa sala dahil naalala ko na bawal akong magpagod. E, ang kaso sa sitwasyon ni Alas na hinahabol na naman ng batas ay malamang sa malamang na pati ako ay mapatakbo. “Nasaan tayong lugar, ate?” “I think, nasa partes na tayo ng Tuguegarao. Nga pala, kumain na kayo ni Alas. Nag