MARIA'S POV Muli akong bumili ng pagkain para kay Alas. Dadalaw ako ulit sa kanya para ibigay ang ilang impormasyon tungkol kay Mr.Alcaraz bukod doon ay namimiss ko siya. Napangiti ako habang tinitingnan ang binili kong bracelet para sa kanya. Kulay itim ito at may pangalan niya na Alas, parehas kami at may sarili ko namang pangalan ang akin. Feeling ko tuloy ay couple kami. Kinikilig ako sa sarili kong kagagahan. "Manong dadalaw ulit ako kay Alas." Nakangiti kong sabi sa guwardiyang nagbabantay lagi sa gate. "Araw-araw na yan hija ah. Baka mabuntis kana ni Alas. Ingat-ingat ka din." Nasamid ako sa sinabi ni manong. Gusto ko sana siyang sigawan pero kahit papaano ay may galang naman ako sa matanda. "Manong ikaw talaga oh. Wala pong ganun na nangyayari. Mabait po si Alas." "Naku ineng.